Anong ang mali sa id format na ito?
- Hindi ganito ang official format na buong pangalan ang nakalagay sa id, naging three rows ang identification part.
- At obvious sa litrato na pinatungan lamang ng papel ang tunay na pangalan sa ID, para ma-picturan at maipagyabang na siya "DAW" eh nakasama sa Papal event sa UST.
Ganito na ba ang ating mga kabataan ngayon?
Nagpapanggap?
Nagpapantasya?
Ano bang habol ninyo sa pagkukunwari ninyong seminarista or pari kayo?
Ang kabanalan ba ng buhay?
O ang mga pribilehiyo na kumakabit sa pagiging isang pari sa Pilipinas?
Hindi ba kayo nahihiya sa mga ginagawa ninyo?
Palakad lakad kayo na may suot na clerical collar eh hindi naman kayo totoong seminarista? Yung isa nga alam na ng lahat na pinalabas na bago pa man dumating ang Santo Papa, naglilibot pa sa iba't ibang PARTI NG MUNDO, na nakasuot ang kanyang clerical collar.
Ang isa naman na call center agent eh DEACON na daw.
Hindi na ba kayo nahiya?
Talagang sukdulan na ba ang inyong kawalang hiyaan?
Gusto niyo ng privilege ng isang pari pero ayaw niyong dumaan sa seminaryo ng 10 taon?
Hindi na ba talaga kayo tinatamaan ng hiya?
May Serial Number, Color Coding on the lower right side at stamped ng UST ang ID's sa Youth Encounter.
ReplyDelete