Friday, September 28, 2012
The Feast of my Patron
LORENZO RUIZ, MARTIR
1. Ang Bayang Pilipino, ngayon ay nagsasaya
Isang sugo sa langit, tayo ay mayroon na.
Salamat sa Maykapal, sa banal na biyaya
Tinanghal ng daigdig, kayumangging dakila.
Refrain:
Purihin ka Lorenzo at iyong mga kasama
Alagad ng Maykapal, sagisag ng pag-asa
Sa Rosaryo ng Birhen, kami'y iyong kasama
Iyo ang aming puso, Lorenzo de Manila.
2. Ipagbunyi din natin, mga kasamang martir
Sa lupa at sa langit, sila ay dadakilain.
Salamat sa Maykapal, sa banal na biyaya
Tinanghal ng daigdig, kayumangging dakila.
(Repeat Refrain)
FINALE: Iyo ang aming puso, Lorenzo de Mani-la.
PANALANGIN PARA KAY SAN LORENZO AT MGA KASAMA
Amang Mapagmahal, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay naghandog ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tanan. Kasihan kami ng iyong pag-ibig upang maihandog ang aming buhay para sa iyo at sa aming kapwa tao. Inakay rin ng mapagpala Mong kamay ang iyong mga lingkod na sina San Lorenzo Ruiz at mga kasama sa lupain ng Hapon upang tularan ang sakripisyo ni Kristo at ipamansag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.
Isinasamo namin na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal na martir na kami'y maging matatag sa pananampalataya tulad nila at maging kasangkapan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa aming bayan at sa mga bansang nasa paligid namin. Dinggin Mo ang aming kahilingan at ang tanging biyayang aming hinihingi. (Banggitin ang mga kahilingan) Kaisa ni San Lorenzo Ruiz at mga kasama, hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment